Thursday, September 13, 2012

My First Group EB (EyeBall)


that was October 2006..  ito ang taon na naging certified baliw ako sa chat. hahaha.. 

after school uwi agad, computer agad ang kaharap (di ba tipid sa gimik, good girl ) naging adik ako  lalo noon sa chat kasi may inaabangan akong chatmate ko nun (lande)..  tambay tambay sa chat room, sa inaraw araw na ginawa ganyan ako dati.. hanggang sa may makilala na regular chatter at makabuo ng tinatawag na "group clan".. masaya nun dati.. kulitan, kantahan, asaran, kwentuhan, drama.. pero pinaka the best kapag may eepal sa chat room tapos mang aaway, (pinag kakaisahan talaga) pinag ttripan din ng mga booter.. (syempre kung hindi ka chatter hindi mo alam un), andyan ung may mga tripper na makukulit (sweet sweetan), at madalas nagkakaroon ng love story ( syempre isa na ko dun. hahaha..). Iba't ibang uri ng tao anag makikilala mo dito, meron puti, meron itim, meron kayumangi, merong seryoso, merong pasaway, merong bolero, meron naman chill chill lang.. pero karamihan sa mga chatter, ito ung mga OFW natin,.. na sabik sa kausap.. lalo na ung mga nag iisa sa kanilang mga apartment.. nakakatanggal ng pagka homesick at the same time stress releasing din.. dito makakatagpo ka ng mga bagong kaibigan.



nun time na magkakakilala na ng ilang buwan, napagkasunduan na mag Group EB (Eyeball), wala pa kong trabaho nito kasi katatapos ko lang ng kolehiyo 2007.. kaya pahirapan sa pagbunot sa bulsa lalo na kung wala kang bubunutin, eh ang plano pa nun privte pool dito sa laguna(susyal). dito ko talaga pinilit mangyare un. (hahaha joke lang) since taga malalayo tlga ung iba, ang hirap makipag schedule, at financial din ang problema,. buti kamo meron kaming member na mabait, sinagot ang pang private pool namin.. (san ka pa), taga san nga ba un,... taga california ata?? naku sorry forgot na :D basta susyaling bansa un.. hahaha...


excited na ko nun.. kasi first time tlga ko makikipag meet sa mga taong di ko kilala (pinag handaan ko yan,. hahaha) .. sa wakas makakabonding ko na ung mga araw araw kong kausap sa chat.. sa calamba ang meeting place, maghapon lang kami nito kasi taga malalayo pa sila.


at ito na nga  kami nun...


ayan summer time pa pala ito.. kitang kita ang date..beside me is Janice, still connected..
(ung isa nakalimutan ko na name, sino nga ba to basta taga laguna din yan..
 basta ung payat si dudez yan from pampanga.. :D ).


eto ung pinag kaisahan ako painumin ng matador..!!
wahahaha.. wala akong lulusutan... no choide.. 

tatlong babae nga lang ba kami dito??

di ba ang mamacho.. :D ung naka green (AJ) at black (Alvin) from cavite....
 miss you guys..

guy in red, the best kumanta yan.. :D di ba tol (Eric).. miss yah bro.. 

nice shot ...! :D

its Madz... (galante din yan) :))

Madz and Erick..! 
jollibee calamba... as i remember libre ito ni madz... (bait mo tlga gurl.)

Add caption
ang konti lang ng pumunta, pero masaya pa din.. at nasundan pa yan ng madaming beses na EB.. really miss those time guys.. i really treasure those moment.. nakapag EB na kami sa Las Pinas, Taguig, Alabang,. 


yhow...! Disaster  (middle) in the House..!!! :))

katabi ko si crush.. hahaha (sikret lang)

ang mamacho..!! 



and this is my two sister.. madz and janice..
(sad to say parehas na sila may asawa ngaun.. iniwanan na nila ako... hahaha.. love yah sis..)
kung tutuusin nga mas naging open pa ko dito sa online, kesa sa mga kaibigan ko nun.. kasi hindi mo sila kaharap ng personal, ok lang kung husgahan nila ko kasi di naman nila ko kilala, kung baga nasasabi mo lahat, nailalabas mo ung mga kakulitan mo na di mo nagagawa sa totoong buhay (kasi nahihiya ka o iniisip mo na baka di nila matanggap ung ibang pagkataon mo) at dito makakatagpo ka din ng mga kaibigan. 

(Opinion).. hindi masama makipag kaibigan sa mga taong nakikilala mo lang sa online chat, kelangan mo lang kilalanin mabuti at willing ka magtiwala.. hindi ung porque gwapo, macho, maganda, o sexy makikipag kita ka na o magtitiwala ka na agad, it takes time to know one person. hindi mo masasabi na dahil sa online mo nakilala hindi mo na dapat pagkatiwalaan. oo madaming manloloko sa online, pero may utak ka naman at pakiramdam para makilatis mo kung totoo ang sinasabi ng kausap mo di ba. ako, walang pinagsisihan nun nakilala ko sila sa online.. lumawak ang mundo ko.. natutu akong gumala.. wahaha.. kidding aside, talagang magkakapatid ang turingan namin sa isa't-isa nun.. hindi buo ang araw kapag di nakakatambay sa tambayan chat room.. 


nasan na nga ba sila ngayon.. bakit nawala ang grupo namin.. nakakahinayang din tlga ang pinagsamahan,..  sana maulit 'to kahit 7 years na  since those happy eyeball.. :) i really treasure you guys.. paramdam kayo..!!! 

No comments:

Post a Comment

Maraming salamat sa pag babasa... sa uulitin.. :)