Nagsimula kasi ang kalokohan na 'to nun may nabuong barkada dahil sa di inaasahang kahihiyan na pinasukan. kahit nga ako na hindi nakaligtas..!syempre no choice ako kasi big boss na ang nagsulat ng pangalan na sasali.(sapilitan). ok din naman, kasi dito talaga nagkaroon ng bonding, dati rati kasi ang buhay ko sa opisina piling tao lang ang kinakausap at pinapansin ko(suplada), kasi isang taon palang ata ako nun sa trabaho. dito lumabas ang mga kakulitan at infairness naman lahat ata ng uri ng personalidad nasa grupo na ata namin.
|
yessss..! sila yan..! mga mukhang baliw lang pero matino naman mga yan.. yung naka black and violet na gurl available yan.. pati ata yung naka red pede din (di ko sure as of now ha. :D) pili na kayo.. wahahaha...
|
Nabuo ang plano sa isang dinner date ng grupo, ang natandaan ko, nagkakaayaan lang mag outing, yung isa nag presinta... sabi nya dun nalang daw sa kanila, sa La Union. malapit daw sila sa dagat..(ang bilis ng imahinasyon ko, na iisip ko agad yung bahay nila tabing dagat tlga ung malapit sa seashore)..
|
(ganyan ang nasa utak ko.. grabe ako mag expect noh? hihi.. ganyan talaga kasi gusto kong puntahan) |
Excited na nga lahat, plano palang yan.. ayos..! planado na agad ang date (March 17-20, 2011). eh may boylet pa ko that time, tapos ang kumag ininggit ako (inggitera naman talaga ako!), ipinakita skin ung mga picture na pinuntahan nila, nag joyride daw sila hanggang ilocos, sa Vigan.. (sa bantay bell tower, sa hidden garden, sa banga, sa baluarte) eh wala pa kong masyadong alam sa mga magagandang travel spot na yan. nag search ako kay manong google. unang bungad skin ung calle crisologo, (grabeeee ang ganda shemai.. ito ung mga gusto kong puntahan, ung mga historic places) sabi ko gusto ko din makapunta dun... (as in...!) eh sabi ni boylet mahal daw pumunta dun.. mga lodging, food, transpo. etc. etc.nadismaya talaga ko, hanggang sa araw araw na ko nagsearch nun kay google.(adik lang) sabi ko nun sa sarili ko, basta makakapunta din ako dun..!
Busy busyhan ako sa trabaho un pala busy sa pag pplano at pag ccompute ng expenses, sa mga lugar na pupuntahan, sa mga kakainan.. kung anong masarap.. in short gumagawa ng field trip plan. hahaha..nun nag uusap na kami ni (master) bakit master kasi sya yung may alam ng mga expenses dito at kung pano pupuntahan. siya 'ung taga La Union, (magulo kasi kausap 'to parang wala lagi sa sarili ang sinasabi) tapos nag bigay pa ng "suggestion" kung gusto ko daw dumiretso na kami ng vigan sa 1st day tapos 2nd day sa La Union sa kanila, tapos 3rd day pangasinan na, sa hundred island. (pagkarinig na pagkarinig ko sa VIGAN, nag automatic ang ngiti ko!! hahaha..)
|
(Eto na 'yun..! hahaha!) |
From manila to Vigan, mga 8 hrs lang daw, from vigan to la union 1-2 hrs lang "daw", eh di ayos...! malapit lang pala Vigan. kaya PINILIT ko silang lahat na pumayag, kahit na meron isang kontrang kontra sa Vigan kasi nakapunta na sya dun, pero sa Pagudpud naman talaga yung nilibot nila. :)) you know who u are. :D (peace). in a long run sa pag ccompute ko at pagssearch ng mga ppuntahan sa vigan, 4-5k lang, 3 days..! napapayag ko din sila.(TAGUMPAY! dream come true ko na ito...! hahaha)
At ito na nga po kami..! (March 17, 2011) - Thursday Night
|
7:00PM (meeting place) looking for me? wala ako jan, ako photographer.! hahaha (charot!) super late ako (8:00PM), isa kasi akong dakilang workaholic eh. (wahahha)
sila full tank na, ako on duty pa. =( |
|
8:30PM (last trip..! umabot pa) going to Cubao
tignan mo nga naman ang pagkakataon.. totoo nga! nasa likudan kami eh..!
ang gugulo parang ngaun lang nakasakay ng bus..! mga taga bundok?? wahaha.. |
|
10:55 PM (2ndBus going to VIGAN..! yiihh!) bandang likod pa din kami nito.. tsk tsk..!
grabe sakit ng balakang at pet ko jan...!! carry lang.. gusto ng long ride eh..! hahaha.. (excited much..!) |
DAY 1 (March 18, 2011)
|
5:00AM (March 18, 2011) nasa Ilocos Sur na kami...! Eto na kami....! :))
(madilim pa ang daan super excited na bumaba ng bus) |
Around 10:00AM na ata ito (Branch) Food Court beside Vigan Cathedral.. actually medyo na sad ako dito, kasi wala akong napiling kainin.. though nandito naman ung mga local foods ilocos, masarap naman. meron nga lang talaga na hindi patok sa panlasa kasi syempre kanya kanyang dila naman ang tao. :p
|
boi kaya pa ba?? hahaha... ubusin nyo yan..! :D |
1st Destination: VIGAN CATHEDRAL syempre simbahan muna bago ang lahat.. kelangan magpasalamat at nakarating kami ng ligtas sa destinasyon namin, kelangan humingi ng gabay sa mga gagawin at pupuntahan namin.. remember.. always be with Him.. where ever you go.. ;)
|
hindi namin nakuhaan ung loob (bawal yata?)
ano, mga takot sa araw??? o nasunog na kasi nasa tapat nagsimba?? haha.. (joke lang) |
2nd destination: PAGBURNAYAN
|
hala cge..! pataasan ng banga..! pakapalan ng putik sa palad..!hahaha..
naalala ko tuloy ang kabataan ko (as if matanda na ko ngaun??) kasi madalas namin paglaruan ang putik nun, ginagawang bola-bola kunware chocolate whahaha.. |
|
Jenny / Genie in a Banga ba ang iksena dito?? hahaha.. |
|
galing ni kuya mag laro ng putik.. sanay na sanay pati sa camera.. haha.. : D |
3rd destination: HIDDEN GARDEN
|
ang cute... nino?? nung maliliit na bangang naka display..
(bakit ang taba ko jan?? hindi marunong nagpicture nito..! wahahaha..
(feeling pumayat!) :p |
|
as far as i remember ako ang pasimuno dito.. dahil lang sa HALO-HALO..
may nakita kasi akong isang blog, tapos nakita ko ung picture ng halo-halo (ang sarap!) eh pag sa kainan naman tong mga kasama ko walang problema.. hahaha siguraduhin ko daw masarap yung halo-halo..(see it to believe!) |
|
Ang malanding lalake... :p Guess who.. Sinong Original Girl ni Boylet? (ang malas! hahaha..) |
|
ano klaseng posing ito?? yan ang pose ng mga baliw... |
|
Ang cute nito haha!!!... hindi ko alam kung sinadya o may nagsabit lang nito sa halaman..
basta nakakarelate ko that time. wahahah (may ganon!) |
|
walang mainit na araw sa mga ulaga.. todo rampa sa kainitan... ;) |
|
hindi ko alam kung anong lasa ng pagkain na yan.
sounds interesting ng pagkain noh, pero sabi talong (eggplant) daw yan.. ^_^ |
|
At ito na ang pinaka dinayo tlaga namin.. yummy??.. |
|
lets begin..! husgahan nyo na! |
|
see... i told you.. simut sarap.. sulit ang 75 pesos ko! ^_^ |
|
Meet the Owner.. (nakalimutan ko na pangalan. sorry) i think natuwa din naman sya samin..kasi nakita nya naman satisfaction namin.. sa pamamagitan ng pinagkainan namin.. hahaha..
Meet Lola Bagets..! :D (di ko alam name eh.. heheh) Lola sya nun isang kasamahan namin bale yung nag service samin mother nya ito.. (tama ba?) nalito na ako.. basta basta libre lunch namin dito.. ^_^
|
|
Fight..!
Food Tripa nanaman.. |
|
Pagkatapos Mananghalian.. sa likod bahay.. nanungkit ng manga..! Ayos..!!! |
4th destination: (Baluarte ko.. wahaha joke lang baka mademanda ako.)
BALUARTE NI CHAVIT..!
|
panic buying for pasalubong... medyo mahal sa kanila ha.. hindi naman kami foreigner..
(buti nalang kaya pa makipag bargain.. ) |
|
HAPPY 100x...!!! hahah.. 1st time ko 'to..! (siopao pa talaga ko dito! wahaha)
|
6th Destination: CRISOLOGO MUSEUM
|
anong masasabi nyo, talagang dinaig pa namin ang school field trip dito..! hahaha... ang bongga ng bahay nila.. ang yaman.. nakakatakot nga lang talaga magpicture picture dito.. baka kasi biglang may makita akong kakaiba sa camera. (yoko!) =( |
|
dito ata ang tanggapan ng mga nagkakasala.. parang hot seat ganun..
(kaya pala parang nakaupo na ko dito dati. hehehe) |
|
meet the care taker.. ^_^ nakalimutan ko ang name nya.. (sorry) |
|
Wag kang gagalaw..!!! kung ayaw mong paputukan kita..!! wahahaha... |
|
now you I know.. ;) nakapaskil yan dun sa labas ng bahay ni crisologo.. |
7th Destination: BANTAY BELL TOWER I love places like this.. yung mga historic places kahit na wala akong kahilig hili sa subject na history talaga.. hehe.. .
|
ito yun..! ganitong ganito ung picture na pinakita skin.. kaya nun nakita ko talaga ko, di ko pinalampas ang pagkakataon makuhaan (ibidensya!) bitter aside.. maganda tlga dito.. and im glad tlga nakapunta kami dito.. ^_^
|
|
this is it...! Ito yung isang picture na pinakita skin ng kumag na yun..! akala mo ha hindi ko mapupuntahan 'to.. neknek mo.. :p (bitter? wahahah) pinilit ko talaga isearch lahat ng picture na pinakita nun skin.. (inggitera eh! wahaha) buti nalang din napapayag ko silang pumasyal dito.. =) |
|
Paunahan ba to sa pag-akyat sa tuktok?? |
|
St. Augustine's Church beside the Bell tower |
|
The side view.. |
After a long and tiring day.. we decided to go back at the casa.. lowbat na lowbat na ang mga katawang lupa namin.. para makapag pahinga naman.. from (March 17, 2011) almost 11hrs (8:00am - 7:30 working, then diretso meeting place, plus 9hrs travel, (March 18, 2011) tapos 2 hrs for freshin' up, and a whole day tour.. (san ka pa!) but all in all.. i am satisfied sa mga nakita at napuntahan namin.. (ewan ko lang sila) basta ako.. OK! :p
after makapag recharge ng katawang lupa at camera na din.. ready na ulit rumampa...! here we are again Plaza Salcedo and Calle Crisologo.. iba ang ganda ng umaga at gabe.. kaya i wanna see you day and night.. Transformation ika nga. ;)
|
Gurls anong meron sa bakal?? parehas pa kayong nakayapos.. |
Exploring Plaza Salcedo in front of Vigan Cathedral..
|
ganda parang nasa ibang bansa lang di ba.. hihi.. ;)) |
|
The Famous Jar.. sige yakapin nyo..! :D
This is it..! Calle Crisologo at night.. one of my fantasy (chos!) like what i've said.. i hate history, keep reading and reading (boring) malay ko ba kung sino at saan ang mga historic man and places na yan.. BUT i like the pictures... :D thats why i love those historic places..
(its adventure!)
|
|
Charaaaannn...! Finally...! nalisayan na kita ng gabi.. ayiih! :) |
|
Nice Captured.! |
|
Mga batang naligaw lang.. |
|
Solo - Solo Moment ba ito?? :p |
|
And the Winner is?? (Wow legs..! ahaha) |
|
a great treasure Vigan.. (salute!) |
after those taking picture (salamat nangalay din sila sa kakangiti at kakapose!) we decided to go back in Casa, dito pala sa Ilocos habang gumagabi nagmamahal ang pamasahe ng tricycle.. (nagiging ginto ata ang mga tricycle dito, Cinderella lang?) pagkatapos namin maglibot, pagmasdan at damahin ang Vigan, wala na masyadong tricycle na namamasada, tapos my lumapit samin isa, eh ANIM kami, sabi namin magdlawang tricycle nalang kasi nga hindi kasya.,sabi ni manong Driver mahirap na daw makahanap ng tricycle sa oras na un (past 9pm na ata that time) eh di kami naman mga mangmang, sa takot na maging palaboy dun sa calle crisologo, 20 pesos daw bawat isa, (ang mahal) less than 10min lang naman yung Casa from Plaza, eh di kami naman mga kuripot at wala na nga tricycle na nadaan, pinagsiksikan kami ni manong sa tricycle nya..! (feeling Limousine ang dala) ang lalaki at ang tatangkad pa naman ng mga kasama ko! (oo, ako na pinaka maliit! tse.! hahaha) paglampas namin ng plaza ang dameeeeeeeeeeeeeeeeee pang tricycle na mga nakaparada dun.. anak ng tinapa..! nagoyo talaga kami ni manong..
|
ngayon alam na namin ang feeling ng sardinas sa loob ng lata.!!! (we are 4 here)
dinaan nalang talaga namin sa kakatawa ang pangyayareng to..
|
|
nice ride..! :)) wala ng footrest, wala pang pang suporta na bakal.. hahah.. |
ito pa masaklap, pag baba namin sa Limousine ni Manong, akala namin makakatipid kami, aba..!! hindi... walang patawad si manong... BENTE pa din bawat ulo ang siningil... grabe..! pinagkaisahan na namin si manong nun, ayaw naman umalis ng hindi kami nagbabayad ng buo. eh di binayadan nila.. sus kung ako un manigas si manong kahihintay.. 4 lang dapat may bayad dun.. (Tagang taga tlga..!) pero ok na din New experience for us.. as in 1st time talaga ang ganito. hahaha..
more adventure to come in my Part II (Vigan - La Union Side Trip) ^_^
No comments:
Post a Comment
Maraming salamat sa pag babasa... sa uulitin.. :)