Wednesday, September 19, 2012

Ito ang Simula - Part II (Vigan - La Union - Dagupan - Pangasinan)


Day 2 (March 18, 2011) Ready for the next adventure..


Fresh na Fresh na ulit!.. san ang rampa?? wahaha.. Ready to Leave..
Goodbye Vigan na.. 'til next time.. Happy to meet you.. ^_^



Time to Check Out guys..  (susyal)
hahaha filingera lang kami na dyan kami tumuloy.. : )) 


akala nyo tapos na ang field trip namin dito.. syempre hindi pa.. hindi pa ubos ang film ng camera eh.. wahaha.. (film?? panahon ni kopong kopong) carry lang ang mga bagahe.. basta my camera.... SMILE...!!! hahaha..


hehehe ito yun.. sya yung sikat na kabayo.. yung color pink ang hair.. bongga..! 


hmmm.. ang tanda ko bibingka ang dinayo namin dito..
boi, hilaw pa yan longanisa..! sobra na ba ang gutom.?? hahah


pppsssstt...!! caught in the act..! mga gutom na ba? haha..
Imjee: Manong dagdagan nyo ho yung sakin ha.. masama na gutom ko.. (haha)



mas na aappreciate talaga nila ang mga ganitong pagkain pag "gutom" wahaha.. joke lang..
pero namiss ko 'tong moment na to.. 



paunang laman ng 'tyan.. mukhang mas fresh ang taho sa kanila o dahil lang sa ambiance.. hmmmm? pero masarap ha.. malinamnam.. :D

Buti nalang talaga may katigasang taglay din ang ulo ko, kasi kung hindi baka sa chowking o max kami kumain which is ayoko kasi gusto ko talaga subukan yung mga “tapsilog, longsilog, hamsilog at kung ano ano pang may "log”.. di naman obvious na adventurous din ang aming dila? Kasama yun sa travel.. explore.. and experience.. nagtanong tanong kami sa mga tao dun kung san meron mga silog-silog.. at dito nga kami itinuro...



Grandpa's  Inn..!  (sa WAKAS)
sulit ang pagod.. kahit yung ibang kasama namin eh nagrereklamo na sa mga dala nilang bagahe at lahat kami  kuba na.. hahaha...

anong order nyo mga bata? (bata?) hahaha isip bata. :p
may katagalan din ang pag-serve nila ng foods ha.. (dami ng gutom) 



Presenting....! ang aming dakilang litratista .. JENNY B...! hahaha..  (available yan) :D


lahat yan masarap pramis... !
order ko yung tapa ilocano...! sarap..! :D 

Never miss this one at Grandpa's.. ;)


sa WAKAS....! eto na...!  ilang kanto din ang nilakad at nilikuan namin makita ka lang at matikman ang iyong sarap.. (ang sama pakingan..wahaha)  this is so F***king good dude..! the best tapa ever..! pati ang suka (vinegar) panalo..!  nakalimutan ko na kung anong tawag dito sa  dried fish na ito..an daw yung daing na espadang isda (alangan naman espadang kabayo. lol)..  basta lahat yan YUMMY..! \m/


now this is what we called SATISFIED...!!! Sulit ang paghihintay.. (compare dun sa unang almusal namin.. hihi)  full tank and ready to go for the next adventure..! papaiwan ka ba?!
(Richard Gutierrez lang? wahaha)

This is what we're looking for...!!! EMPANADA.......! one of the best in Vigan..  kakaiba talaga..  may itlog, may gulay, may meat/ chicken, etc. in short masarap..!  kaya pinilit talaga namingng mahanap 'to kahit ilang kanto ang sinuot namin.. yun pala sa plaza ka lang makikita..! hahaha..



Pagkatapos mahanap ang mahiwagang Empanada de Vigan, at nakabili na ng mga pasalubong and souvenirs, handa na kami for La Union Adventure.. 

Eksena sa Partas Bus Terminal?

Mga nabaliw na ba sa paghihintay ng bus??

more then 2 hrs kami naghintay, nakipag sisikan at nakipag unahan, at nakipag away pa sa guard na nagpapasakay ng pasahero. may pa number number pa silang nalalaman, yun pala hindi naman pala yun yung vacant seat for you, para san pa ang number kung unahan din pala ang eksenad dun. tsk tsk tsk.. very very disappointed..!  


Hindi na kami nag aksaya pa ng oras dun sa terminal, humanap na kami ng ibang way para makarating ng La Union, we ride a tricycle ihahatid daw nila kami sa highway tapos my bus na dadaan daw dun going to La Union, walang dalawang isip na yun ang ginawa namin. as in badtrip talaga kami.. daming naubos na oras.. eh naghahabol talaga kami ng oras dito..



hmmmm ngiti pa din??? mga nak ng tokwa...! badtrip na ko oh.! ahahaha..
After few minutes.. Finally nakasakay na din kami ng bus (Florida) going to La Union..  Excited na kami lahat dito for the next destination..
Yes..! Korek..! Stranded..!
wala pa atang 15 minutes na ninanamnam namin ang bus na ito susme.. itinirik na agad kami..! tinanong ko ang conductor kung mabilis lang yung pag aayos, oo daw mga 5min.. hanggan sa tumagal na kami ng more than 30min (another waiting moment..!) pagka nga naman minamalas kami noh.. dito na kami nag lunch ng chicharon..! :))
in a long run, nag abang na kami ng ibang bus.. ang binagsakayan namin... guess what.. PARTAS again..!!! hahaha.. pagsakay namin ng bus sabi ng  conductor ("kayo ba yung nang galing din dun sa terminal?") tapos nakakalokong ngiti.. parang nang aasar lang..! nakilala na agad kami.. (another 1st time guys)

inabanga ko talaga 'tong tulay na 'to..!  never missed to captured this one.. dati sa TV lang at Internet lang kita nakikita.. hehe.. :D 


gilid na kami ng mapa ng Pilipinas.. ang galing.. hehe.. :D
Tag Tuyot talaga.. pero still maganda ka pa din.. :D di ko alam kung san part na 'to basta ang alam ko dun kami nang galing... sa kabilang bundok na yun... hanglayo.!


One of the Church we've passed.. hindi ko alam kung san part na ito , but I think bandang La Union na ito? 

As far as i remember yung isang kasama namin na taga Agoo La Union, sabi nya 2 hrs lang from vigan.. eh umalis kami ng Vigan Property around 11:00am siguro, tapos nakailang tulog na ata kami sa bus, sagot ng conductor malayo pa 4 - 5 hrs daw ang byahe namin.. susmeeee.... gutom na gutom na kami.. hahaha.. ang tinira lang namin yung bibingka.. mabuti na kesa wala.. (wala tuloy akong pasalubong sa'min)

pagbaba namin ng Agoo, sa park doon nakaabang na samin yung isang kasama namin, sasakay pa daw kami tricycle para makapunta sa dagat.. so go go na kami.. my service daw syang dala.. (great!) pagkakita namin.. Tricycle...! ok lang sana kung tricycle,. ang kaso pito na kami.. at iisa lang yung tric., pano kami magkakasya dun.. wahahaha... sabi nya wag daw mag-alala kasya daw kami dun.. 

oh ha...! kasya nga..!plus baggage pa yan ha..!hahaha.. galeng ng mga tricycle dito eh.. (limousine!) hahaha.. masasabi kong at this moment..sanay na sanay na kami sa siksikan.. :))
kaming dalawa sa likod.. again walang bakal na pang suporta.. pero meron ng footrest! plus si master (yung taga agoo) nasa likod, di ko alam tawag dun sa part na yun pero dun sya nakatayo sa lagayan ng mga baggage..  AYOS.! another survival stage..

taking off from  limousine hahaha..
(Around 4PM) Andito na kami.......! sa wakas...!! (hmmm medyo hawig naman nung imagination ko.. hehe.. but.. hindi dito sa tabing dagat ang bahay nila.. 10min ride away pa.. ayos na din. :D )
Heeeeppp! bago ang lahat.. mamaya na ang dagat..! unahin muna ang 'tyan na nagwawala na sa gutom...! waahah.. huling kain na matino nun umagahan.. 




YAN ANG FOOD TRIP...! :D ALL FRESH..! lets get it on..!!! Pinaghandaan talaga nila ang pagdating namin.. (touching) kaninang lunch time pa daw nila kami hinihintay.. kaso nga daming aberyang nangyare..! importante nakarating kami ng buhay at kumpleto.. ayt! (UPAKAN NA YAN..!!!)
Wait.... There's more...!!! hahaha grabe.. daming foods.. parang nahulaan na nilang ang dami na naming gutom.. hahaha.. daig pa namin ang bibitayin nito after.. :)) 


FIGHT..!!!
hahaha.. daming gutom?? mga PG?? hahaha.. hinay-hinay lang mga pre..! :))
Simply beautiful.. ^_^

anong meron?? bakit mga naka-turo sa araw?? Oh no..! malapit na silang magpaliit anyo..!!! ahahaha

ang saya noh.. parang mga hindi nagdaan sa pagkabata..?? haha..  mga batang naka-kawala sa hawla.. ganyan lang kami.. enjoying every moment we have.. parang mga baliw noh.. hehehe... :)) captured na captured ang mga kabaliwan.. :D 
Perfect Shot.! galeng ng photographer eh.. \m/
teka lang bakit hindi pantay-pantay?? pababa ang lipad namin? hahaha..


lakas ng alon noh... ^_^ muntik na ko malunod sa letcheng alon na yan. (as in natakluban ako ng malaking alon tapos dinadala pabalik hahah) ang mga impakta pinagtawanan lang ako..wahahah.. (ganyan ang kaibigan?)

mas naging maganda ang view nun nagka-buwan.. at unti unti na silang nagttransform .. :-s

time to go home dun sa bahay ni master. imbis na magpahinga, nagpunta pa kami sa bukid nila.. sa plantasyon ng mga "mani" (peanut).. mangunguha daw kami. (gabi na, baka may ahas...) kiber sa ahas.. gora..! walang bihis-bihis..! maalat alat pa ang mga balat namin..! wahahah..



ang mahiwagang balon.. unang unang pinagkaguluhan pagdating sa bukid.. :D
(namumukid sa kalagitnaan ng gabi?? adik lang!) mabuti na nga lang at maliwanag ang buwan.. (bilog) kaya sumpong ang mga kabaliwan.  (well kahit naman half moon, triangle, square, o heart pa ang hugis ng buwan.. normal na sa kanila ang mabaliw)



parang 1st time nila makakita ng balon noh. :p
(ang dyosa ng balon?? wahaha)


picture picture muna sa bahay nila Inang at Itay.. habang hinihintay ang mani (peanut)



peanut plantation gurls??? :)) 
ingat baka may mga nakapulupot na ahas na dyan sa mga hinahawakan nyo. :p



nandito na si kuya... dala ang mga mani... hindi na nila kami isinama pagkuha ng mga mani kasi baka puro bubot na mani ang makuha namin. hahaha.. 


fresh from bukid..! masarap kahit hindi luto. di ba? hahah.. (another first time for us.) 


ayan.. makinig kung pano pitasin at piliin ang mga mani... (seryoso?)
ngayon alam mo na ate? :D
yan ang mga mani girls..! hahaha..! pero masaya 'tong moment na to.. nakakangalay at nakakasakit lang sa daliri.. hehehe sa gitna ng bukid, kami lang ang bukod tanging maingay sa gitna ng maliwanag na buwan...



hehehe.. ang bagal nila magpitas ng mani.. ^_^ kape muna. (ansabe ng ipit ko! swerte yan) 

after peanut moment, nakailang timba yata kami ng mani tapos umuwi na kami sa bahay nila master iniwanan kami ng tricycle.....! kaya dun talaga kami sa gitna ng bukid dumaan.. madamo-damo pa,. sarap  naman nag feeling.. parang yung naglalaro ka lang ng tagu-taguan maliwanag ang buwan.. hahaha.. pero nakakatakot din kasi sabi baka daw may ahas.. kaya wala ng picture picture diretso lakad..! haha..

ang usapan dito kami tutulog sa La Union, sa bahay nila. kaso nag iba ang plano. kasi nakakahiya din makitulog ang dami namin, at ang dami din nila. so napagkasunduan na dumiretso na kami ng Dagupan dun nalang magpalipas ng gabi kinabukasan diretso La Union, hahaha.. ok go..! 

Fresh na fresh na ulit? walang ligo-ligo na nangyare dyan. wisik wisik lang konting buhos, palit ng dami.. then GORA..! hinahabol namin ang byahe ng bus dito.!! kaya wala ng keme-keme.. amoy dagat pa ang mga balat namin..! hahaha.. (1st time)


9:00PM waiting for a bus going to DAGUPAN
kwentong katatakutan pa ang naririnig ko dito.. alam na nga nilang matapang ako.. tsk!


(9:40PM) Finally..!!! Dumating ka din..! Bound to DAGUPAN..



as i remember nung dumating ang bus na ito sa harapan namin nagtatalon kami sa tuwa.. kasi finally may "DAGUPAN" bus din na dumating.. karamihan kasing nalampas samin pag hindi baguio, manila.. kaya nung sumakay kami nagtingin samin mga tao (parang taga bundok lang kasi) mga excited sumakay ng bus.. haha..


hindi pa dito natapos ang adventure  (kalbaryo) namin sa gabing ito..  (11:15PM) pagbaba namin ng dagupan, expected namin meron na kaming lodging na makukuha dito.. haha naku po.. yung tinuro samin eh parang di kami tatagal.. ang ingay.. i think katabi mismo ng bus terminal.. kaya ang sabi ko bakit hindi nalang kami dumiretso ng Pangasinan para iisang Lodging tutal naman kasi kelangan din namin ng place na mapag-iiwanan ng gamit pag nag island hoping kami. (agree lahat kahit pagod at antok na)

wala ng bus na dumadaan dun papuntang Alaminos Pangasinan, kaya another tricycle moment.. nakipag tawaran pa kami sa tric, i think its 200-300 per tric papunta sa highway kung saan may dumadaan na bus bound to Alaminos. (another side trip) sabi ko kay manong driver namin na wag hihiwalay dun sa isang tric kung saan nandoon ang ibang kasama namin, dumaan kami sa mga palaisdaan (fishpond) kakatuwa namana.. hehehe.. mag isa ako sa likod ng tric nakaupo, habang binabaybay namin nararamdaman ko na ang lamig.. 

tapos biglang may nilikuan silang kanto, parang isang baryo yung pinasukan namin.. kabado na ko nun kasi dis-oras na ng gabi nasa kalye pa kami at wala kaming kaalam alam sa daan, (keep praying) then suddenly, lumabas na ulit kami sa highway.. wala na halos sasakyan na dumadaan.. sa kahabaan ng kalsada paglingon ko sa likod namin meron isang tricycle na nakasunod samin.. tatlong lalake (ages 25-30) lahat nasa likudan ng driver tapos nakatingin samin. (nakakapraning ang eksenang 'to pramis..!) kanda dasal na ko nito.. kasi pede naman silang mag over take samin, ang lawak ng daan. eh hindi, nakasunod lang samin... kaya lalo akong kinabahan. tapos nakita ko yung isang tricycle na sinasakyan nung ibang kasama namin tumigil. akala ko kung anong nangyare yun pala magpapalit lang yung sakay sa likod at nilalamig na daw, eh di tumigil din kami. buti nalang yung tricycle na puro lalake ang sakay nilampasan na kami.. (thank God talaga ko nun). 

In a long run nakarating din kami sa wakas sa sakayan ng bus sakto lang talaga ang dating namin kasi kasalubong namin yung bus na papuntang Alaminos. Pinagpapala pa din talaga kami at hindi loko-loko yung driver ng tricycle na nasakyan namin knowing na hindi kami taga doon tska naabutan namin ang last trip bus. (1st time) haayss naimagine nyo ba ang eksena namin.. hahaha.. (adventure!)

(11:55PM) ride a bus bound to Alaminos.. lantang gulay na kami nito lalo na yung dalawang lalaking kasama namin hehehe... hindi sanay sa mga ganitong byahe. pero ako kahit pagod at antok na antok na.. (masaya.! ang daming 1st time. hahah) 

(12:45AM) sa wakas...!!! nasa Alaminos Pangasinan na kami....! wuuuhhuuu...! :)) naghanap pa din kami ng matutuluyan dito. buti nalang may tumulong samin tricycle driver na makahanap ng matutuluyan na malapit mismo doon sa boat ride for island hopping. again tawad-tawad. nakuha namin ang bahay ng 2,500/day. (not bad!) Two Rooms, 2 CR, Kitchen, Sofa with TV. 


*** See.. kahit madaming bad news about dito sa Pilipinas, hindi lahat masasama.. bukod sa madaming magandang lugar,  nananatili sa dugo ang pagiging Pilipino. (nax) lalo na pag alam nilang hindi taga doon sa lugar nila.. (I salute!) kung gusto mo talagang mag travel.. have faith and keep believing that everythings gonna be OK.. (amen!)  hindi man sumang-ayon sa inyo lahat ng plano nyo.. ang mahalag ligtas kayo..! at kung minsan sa mga di inaasahang pangyayare, doon pa mas lumalabas di inaasahang karanasan. (speaks from our experience) 

Thursday, September 13, 2012

Ito ang Simula - Part I (Vigan)


Nagsimula kasi ang kalokohan na 'to nun may nabuong barkada dahil sa di inaasahang kahihiyan na pinasukan. kahit nga ako na hindi nakaligtas..!syempre no choice ako kasi big boss na ang nagsulat ng pangalan  na sasali.(sapilitan). ok din naman, kasi dito talaga nagkaroon ng bonding, dati rati kasi ang buhay ko sa opisina piling tao lang ang kinakausap at pinapansin ko(suplada), kasi isang taon palang ata ako nun sa trabaho. dito lumabas ang mga kakulitan at infairness naman lahat ata ng uri ng personalidad nasa grupo na ata namin.
yessss..! sila yan..! mga mukhang baliw lang pero matino naman mga yan.. yung naka black and violet na gurl available yan.. pati ata yung naka red pede din (di ko sure as of now ha. :D) pili na kayo.. wahahaha...


Nabuo ang plano sa isang dinner date ng grupo, ang natandaan ko, nagkakaayaan lang mag outing, yung isa nag presinta... sabi nya dun nalang daw sa kanila, sa La Union. malapit daw sila sa dagat..(ang bilis ng imahinasyon ko, na iisip ko agad  yung bahay nila tabing dagat tlga ung malapit sa seashore)..


(ganyan ang nasa utak ko.. grabe ako mag expect noh? hihi.. ganyan talaga kasi gusto kong puntahan)

 Excited na nga lahat, plano palang yan.. ayos..! planado na agad ang date (March 17-20, 2011). eh may boylet pa ko that time, tapos ang kumag ininggit ako (inggitera naman talaga ako!), ipinakita skin ung mga picture na pinuntahan nila, nag joyride daw sila hanggang ilocos, sa Vigan.. (sa bantay bell tower, sa hidden garden, sa banga, sa baluarte) eh wala pa kong masyadong alam sa mga magagandang travel spot na yan. nag search ako kay manong google. unang bungad skin ung calle crisologo, (grabeeee ang ganda shemai.. ito ung mga gusto kong puntahan, ung mga historic places) sabi ko gusto ko din makapunta dun... (as in...!) eh sabi ni boylet mahal daw pumunta dun.. mga lodging, food, transpo. etc. etc.nadismaya talaga ko, hanggang sa araw araw na ko nagsearch nun kay google.(adik lang) sabi ko nun sa sarili ko, basta makakapunta din ako dun..!

Busy busyhan ako  sa trabaho un pala busy sa pag pplano at pag ccompute ng expenses, sa mga lugar na pupuntahan, sa mga kakainan.. kung anong masarap.. in short gumagawa ng field trip plan. hahaha..nun nag uusap na kami ni (master) bakit master kasi sya yung may alam ng mga expenses dito at kung pano pupuntahan. siya 'ung taga La Union, (magulo kasi kausap 'to parang wala lagi sa sarili ang sinasabi) tapos nag bigay pa ng "suggestion" kung gusto ko daw dumiretso na kami ng vigan sa 1st day tapos 2nd day sa La Union sa kanila, tapos 3rd day pangasinan na, sa hundred island. (pagkarinig na pagkarinig ko sa VIGAN, nag automatic ang ngiti ko!! hahaha..)


(Eto na 'yun..! hahaha!)
From manila to Vigan, mga 8 hrs lang daw, from vigan to la union 1-2 hrs lang "daw", eh di ayos...! malapit lang pala Vigan. kaya PINILIT ko silang lahat na pumayag, kahit na meron isang kontrang kontra sa Vigan kasi nakapunta na sya dun, pero sa Pagudpud naman talaga yung nilibot nila. :)) you know who u are. :D (peace). in a long run sa pag ccompute ko at pagssearch ng mga ppuntahan sa vigan, 4-5k lang, 3 days..! napapayag ko din sila.(TAGUMPAY! dream come true ko na ito...! hahaha)


At ito na nga po kami..! (March 17, 2011) - Thursday Night

7:00PM (meeting place) looking for me? wala ako jan, ako photographer.! hahaha (charot!) super late ako (8:00PM), isa kasi akong  dakilang workaholic eh. (wahahha)
sila full tank na, ako on duty pa. =(



8:30PM (last trip..! umabot pa) going to Cubao
tignan mo nga naman ang pagkakataon.. totoo nga! nasa likudan kami eh..!
ang gugulo parang ngaun lang nakasakay ng bus..! mga taga bundok?? wahaha..

10:55 PM (2ndBus going to VIGAN..! yiihh!) bandang likod pa din kami nito.. tsk tsk..!
 grabe sakit ng balakang at pet ko jan...!! carry lang.. gusto ng long ride eh..! hahaha.. (excited much..!)

DAY 1 (March 18, 2011)

5:00AM (March 18, 2011) nasa Ilocos Sur na kami...! Eto na kami....! :))
 (madilim pa ang daan super excited na bumaba ng bus)


(6:15AM) Vigannnnnnnnn...!!! hahaha sa WAKAS..!! sinong puyat??? 
(alive na alive pag camera ang nakatutok)

(6:40AM) Casa Teofila.. madami ng gutom..!
(from Partas Bus station you need to ride a tricycle to go here.)
Mura nga ang accom nataga naman kami sa Pamasahe... hmmmm not a good choice..
Sana dun nalang kami sa mga medyo may kamahalan na hotel along Calle Crisolo, sa mismong bayan. eh ano pang magagawa tapos na eh.. hahaha.. but we still enjoy naman.. 

Bongga may service kami...! Tito s'ya nun isang katrabaho namin.. 
imagine 6 person + the Driver (swak na swak)
 (sa unahan..) silang dalawa + driver = 3
(charan...!!!) sa likod yan.. walang masikip sa mga batang lagalag..! 
upong sexy..! tigkakalahati lang ang upo..! whahaha
Around 10:00AM na ata ito (Branch) Food Court beside Vigan Cathedral.. actually medyo na sad ako dito, kasi wala akong napiling kainin.. though nandito naman ung mga local foods ilocos, masarap naman.  meron nga lang talaga na hindi patok sa panlasa  kasi syempre kanya kanyang dila naman ang tao. :p  


boi kaya pa ba?? hahaha... ubusin nyo yan..! :D 

1st Destination: VIGAN CATHEDRAL syempre simbahan muna bago ang lahat.. kelangan magpasalamat at nakarating kami ng ligtas sa destinasyon namin, kelangan humingi ng gabay sa mga gagawin at pupuntahan namin.. remember.. always be with Him.. where ever you go.. ;)

 hindi namin nakuhaan ung loob (bawal yata?)
ano, mga takot sa araw??? o nasunog na kasi nasa tapat nagsimba?? haha.. (joke lang)

2nd destination: PAGBURNAYAN 


hala cge..! pataasan ng banga..! pakapalan ng putik sa palad..!hahaha..
naalala ko tuloy ang kabataan ko (as if matanda na ko ngaun??) kasi madalas namin paglaruan ang putik nun, ginagawang bola-bola kunware chocolate whahaha.. 
Jenny / Genie in a Banga ba ang iksena dito?? hahaha.. 

galing ni kuya mag laro ng putik.. sanay na sanay pati sa camera.. haha..  : D

3rd destination: HIDDEN GARDEN


ang cute... nino?? nung maliliit na bangang naka display..
(bakit ang taba ko jan?? hindi marunong nagpicture nito..! wahahaha.. 
(feeling pumayat!) :p

 as far as i remember ako ang pasimuno dito.. dahil lang sa HALO-HALO..
may nakita kasi akong isang blog, tapos nakita ko ung picture ng halo-halo (ang sarap!) eh pag sa kainan naman tong mga kasama ko walang problema.. hahaha siguraduhin ko daw masarap yung halo-halo..(see it to believe!) 

Ang malanding lalake... :p
Guess who.. Sinong Original Girl ni Boylet? (ang malas! hahaha..)

ano klaseng posing ito?? yan ang pose ng mga baliw...

Ang cute nito haha!!!... hindi ko alam kung sinadya o may nagsabit lang nito sa halaman..
basta nakakarelate ko that time. wahahah (may ganon!)

walang mainit na araw sa mga ulaga.. todo rampa sa kainitan... ;) 


hindi ko alam kung anong lasa ng pagkain na yan.
sounds interesting ng pagkain noh,  pero sabi talong (eggplant) daw yan.. ^_^

At ito na ang pinaka dinayo tlaga namin..  yummy??..

lets begin..! husgahan nyo na! 

see... i told you.. simut sarap.. sulit ang 75 pesos ko! ^_^ 

Meet the Owner.. (nakalimutan ko na pangalan. sorry) i think natuwa din naman sya samin..kasi nakita nya naman satisfaction namin.. sa pamamagitan ng pinagkainan namin.. hahaha.. 


Meet Lola Bagets..! :D (di ko alam name eh.. heheh) Lola sya nun isang kasamahan  namin bale yung nag service samin mother nya ito.. (tama ba?) nalito na ako.. basta basta libre lunch namin dito.. ^_^

 Fight..! Food Tripa nanaman..

Pagkatapos Mananghalian.. sa likod bahay.. nanungkit ng manga..! Ayos..!!!

4th destination: (Baluarte ko.. wahaha joke lang baka mademanda ako.)
BALUARTE NI CHAVIT..! 

hahaha ano yan.. hindi pantay.. patabingi ang pose..! makita lang ang background. haha..



rampa..! kanya kanyang pose 'te.!  

i love this one (photo).. adorable girls.. (see marunong ako mag appreciate! hahaha) 

Naabutan namin ang animal show.. fairness may itsura si kuya MC. yung lalake na may hawalk na ahas, hindi namin yan kasama pero yung hawak nyang yan ay dapat skin..!! wahaha.. buti nalang di ako nagpauto sayo kuya.. susme...! magugulo ang mundo ng mga hayop dyan sa sigaw ko..! (yaykz! katakot kaya..)


boi, maka-pose pa kaya kayo kung tigre ang naka-kawala sa hawla at nakikipasyal sa inyo?? hahaha..

this is fun kasi FREE ride.. tska its my 1st time.. hehe..  kaso nakakaaway ung little kabayo.. =( tumatakbo na nga ung kabayo eh hinahampas pa...! si manong kaya  paluin ko, bibilis kaya ang takbo nya?

5th Destination: CALLE CRISOLOGY (yiiiihhhh.....!!) finally andito na tlaga ako..! naka apak na ang mga paa ko sa kayle na to... sobrang saya ko talaga that moment.. manghang mangha ako.. para akong bumalik sa nakaraan tlga looking at the place.. ung old structures ng bahay.. ung mismong kalye.. sarap ng feeling... iba tlga.. 




(DREAM COME TRUE ito boi...!!!)



ang ganda talaga...sana lahat ng kalye sa pilipinas ganito nalang ulit.. tapos kalesa din..(wish ko lang) ^_^
Exploring Calle Crisologo..  its so nice to explore and experience this travel together with your good friends.. (echos.!)



panic buying for pasalubong... medyo mahal sa kanila ha.. hindi naman kami foreigner..
(buti nalang kaya pa makipag bargain.. ) 



HAPPY 100x...!!!  hahah.. 1st time ko 'to..! (siopao pa talaga ko dito! wahaha)

6th Destination:  CRISOLOGO MUSEUM 

anong masasabi nyo, talagang dinaig pa namin ang school field trip dito..! hahaha...
ang bongga ng bahay nila.. ang yaman.. nakakatakot nga lang talaga magpicture picture dito.. baka kasi biglang may makita akong kakaiba sa camera. (yoko!) =( 


dito ata ang tanggapan ng mga nagkakasala.. parang hot seat ganun.. 
(kaya pala parang nakaupo na ko dito dati. hehehe) 




meet the care taker.. ^_^ nakalimutan ko ang name nya.. (sorry)
Wag kang gagalaw..!!! kung ayaw mong paputukan kita..!! wahahaha...
now you I know.. ;) nakapaskil yan dun sa labas ng bahay ni crisologo..


7th Destination: BANTAY BELL TOWER I love places like this.. yung mga historic places kahit na wala akong kahilig hili sa subject na history talaga.. hehe.. . 

ito yun..! ganitong ganito ung picture na pinakita skin.. kaya nun nakita ko talaga ko, di ko pinalampas ang pagkakataon makuhaan (ibidensya!) bitter aside.. maganda tlga dito.. and im glad tlga nakapunta kami dito.. ^_^

this is it...! Ito yung isang picture na pinakita skin ng kumag na yun..! akala mo ha hindi ko mapupuntahan 'to.. neknek mo.. :p (bitter? wahahah) pinilit ko talaga isearch lahat ng picture na pinakita nun skin.. (inggitera eh! wahaha) buti nalang din napapayag ko silang pumasyal dito.. =)

Paunahan ba to sa pag-akyat sa tuktok?? 

You think its just like that tower?? a boring and old one.. well i'll prove you wrong.. cause when you go up up there.. its worth it..! and amazing.. different sizes of bells.. and it is historic.. but if you don't like this kind of trip.. better get off.. ; )


kahit gaano pa kataas.. hindi susuko..! makapag papicture lang dito..! hahaha.. pero kidding aside, worth it naman ang pagka inggit ko.. di ba? hihi.. 

Gurl: I hate you.. ang dami dami mong babae..! harap-harapan..! take note.. kasama mo ko..!
Boy: alam mo namang ikaw lang ang iniirog ko.. ano bang kelangan kong gawin para patunayan sayo..
Gurl: sige nga.. tumalon ka dyan..! (wahahaha)
Kampanerang Bakal??  ikaw na..! wa ako ma-say..! ibang klase tigas ng ulo mo 'ne..! ulo ang pinang kakalembang mo..?? wahahaha... ASTIG..! \m/
Presenting... the sexiest kampanera..! Oh ha..! Yan ang pose..! ; ) 
Meet the blind kampanera.. :D Ang totoo na untog sya dyan.. di lang pinahalata.. wahaha.. (peace)
Teka, bakit ang liit ng kampana mo??  sabagay mas macho pa sayo ang mga babaeng kasama mo..! hahahaha
And this is... what you called.. Kampanerang Demure.. :D (hahaha joke lang)
(shemai ang bilog bilog at lapad lapad ko pa! amp..! hahaha. di bale.. cute pa din naman.."Chos lang!")
yan ang view sa taas ng tower.. sementaryo.. ang ganda noh.. parang sinasabi  sayo sa taas na "(mag ingat ka.. at kung ayaw mong mapasama sa tanawaing ito.. ahahaha)"

Happy...! :) kahit wala pang matinong pahinga..

St. Augustine's Church beside the Bell tower
The side view..

After a long and tiring day.. we decided to go back at the casa.. lowbat na lowbat na ang mga katawang lupa namin.. para makapag pahinga naman.. from (March 17, 2011) almost 11hrs (8:00am - 7:30 working, then diretso meeting place, plus 9hrs travel, (March 18, 2011) tapos 2 hrs for freshin' up, and a whole day tour.. (san ka pa!)  but all in all.. i am satisfied sa mga nakita at napuntahan namin.. (ewan ko lang sila) basta ako.. OK! :p

after makapag recharge ng katawang lupa at camera na din.. ready na ulit rumampa...! here we are again Plaza Salcedo and Calle Crisologo.. iba ang ganda ng umaga at gabe.. kaya i wanna see you day and night.. Transformation ika nga. ;)



Gurls anong meron sa bakal??  parehas pa kayong nakayapos.. 

Exploring Plaza Salcedo in front of Vigan Cathedral..

ganda parang nasa ibang bansa lang di ba.. hihi.. ;))



The Famous Jar.. sige yakapin nyo..! :D

This is it..! Calle Crisologo at night.. one of my fantasy (chos!) like what i've said.. i hate history, keep reading and reading (boring) malay ko ba kung sino at saan ang mga historic man and places na yan.. BUT i like the pictures... :D thats why i love those historic places.. 
(its adventure!)
Charaaaannn...! Finally...! nalisayan na kita ng gabi.. ayiih! :)
Nice Captured.!

Mga batang naligaw lang..

Solo - Solo Moment ba ito?? :p

And the Winner is?? (Wow legs..! ahaha)

a great treasure Vigan..  (salute!) 











after those taking picture (salamat nangalay din sila sa kakangiti at kakapose!) we decided to go back in Casa, dito pala sa Ilocos habang gumagabi nagmamahal ang pamasahe ng tricycle.. (nagiging ginto ata ang mga tricycle dito, Cinderella lang?) pagkatapos namin maglibot, pagmasdan at damahin ang Vigan, wala na masyadong tricycle na namamasada, tapos my lumapit samin isa, eh ANIM kami, sabi namin magdlawang tricycle nalang kasi nga hindi kasya.,sabi ni manong Driver mahirap na daw makahanap ng tricycle sa oras na un (past 9pm na ata that time) eh di kami naman mga mangmang, sa takot na maging palaboy dun sa calle crisologo, 20 pesos daw bawat isa, (ang mahal) less than 10min lang naman yung Casa from Plaza, eh di kami naman mga kuripot at wala na nga tricycle na nadaan, pinagsiksikan kami ni manong sa tricycle nya..! (feeling Limousine  ang dala) ang lalaki at ang tatangkad pa naman ng mga kasama ko! (oo, ako na pinaka maliit! tse.! hahaha) paglampas namin ng plaza ang dameeeeeeeeeeeeeeeeee pang tricycle na mga nakaparada dun.. anak ng tinapa..! nagoyo talaga kami ni manong.. 


ngayon alam na namin ang feeling ng sardinas sa loob ng lata.!!! (we are 4 here)
dinaan nalang talaga namin sa kakatawa ang pangyayareng to..  

nice ride..! :)) wala ng footrest, wala pang pang suporta na bakal.. hahah.. 

ito pa masaklap, pag baba namin sa Limousine ni Manong, akala namin makakatipid kami, aba..!! hindi... walang patawad si manong... BENTE pa din bawat ulo ang siningil... grabe..! pinagkaisahan na namin si manong nun, ayaw naman umalis ng hindi kami nagbabayad ng buo. eh di binayadan nila.. sus kung ako un manigas si manong kahihintay.. 4 lang dapat may bayad dun.. (Tagang taga tlga..!) pero ok na din New experience for us.. as in 1st time talaga ang ganito. hahaha.. 

more adventure to come in my Part II (Vigan - La Union Side Trip) ^_^