Tuesday, March 18, 2014

Sagada Cave Connection - Survivor!


Nagsimula kami ng 4pm sa pagkakatanda ko.. 



Old hanging coffins
Sa unang tingin hindi mo makikita talaga yung kabaong.. Kaya kelangan mong talasan ang mata mo.. ang galing di ba.. napaka buwis buhay din nilang mag libing (libing? di ba sa lupa yun?).. hindi kami masyadong nakikinig kasi medyo alam na namin dalawa dahil nga sa ilang buwan na pag re-research tungkol sa sagada..hehe.. (peace)



Way to Sumaging Cave.. 

 Dahil nainip kami maghintay sa Tour Guide namin habang kumukuha ng gamit na gagamitin namin sa loob ng cave.. ito muna kami..



sige.. kanya kanyang pose!



Love the Nature!

May liwanag pa noong pumasok kami sa Cave..


Mahiyain pa sa personal (kunwari) si Tour Guide namin.. hehehe.. (peace)

Ito na 'to.. wala ng atrasa.. noong nakita ko yung lalim at dilim ng kweba.. nakakatakot.. nakaka-kaba.. tapos merong pang mga kabaong..hehehe... doon lang naisip na hindi pala talaga biro itong papasukin namin.. (bahala na si batman)



 unang butas na papasukin namin... (usiserang bata)
ito na yun.. yung pictures na nsa mga blog... yung butas na hindi ko maimagine kung pano papasok at pano kami magkakasya.. (kabado na excited)



photos can tell..
 hindi talaga biro 'to.. kelangan alerto ka sa sinasabi ng guide nyo. isang maling apak.. delikado talaga.. pero exciting... heheh..
S U C C E S S ..! GOOD Job..! :D


iniisip ko kung sinong na una pumasok sa butas.. bakit parang ako yung napag iwanan..??



guess who??? 
hahahaha... i hate you... captured na captured ang pag luwal skin ng cave dito..!! asar..! hahaha.. kapos na kapos ang mga binti at paa ko dyan..  josko.. parusa agad..!! hahaha..



di maka move on sa "Kapos Moment!" hahahah...
buti nalang may paraan si Guide para makababa ako..hahah.. ginamit ang kamay para maging stepping stone..aheheh.. :p (thanks)



water terraces.. amazing.. 
 wala na kaming masyadong pictures kasi naman nagmamadali tska malapit na ma low bat ang camera namin.. (tsk tsk..) bago kami makarating dito sa pictire na to (below) ilang butas pa ang sinuutan namin.. lumangoy pa kami (sila lang pala) sa sobrang lamig na tubig. Mabuti nga inabutan pa namin yung isang group na nag caving din.. Tinulungan ako noong Guide nila (kuya Andrew Pomeg-as) kasi hindi ako marunong lumangoy hehehe.. kaya ni-guide nya ako kung saan ako aapak.. in short sagigilid lang ako..(oo na kapos na naman).

Tapos ito pinaka matindi talaga sa lahat.. (hindi kwentong barbero to') pagkatapos namin makalampas doon sa pool na yun.. inipon kami doon sa kabilang side.. tapos kelangan makaakyat kami doon sa taas.. kasi dead end na..yung dalawang new found friends namin madali lang sila nakaakyat.. pero hindi talaga madali.. (lalo naman sa katulad kong kapos)

kami naman... si Katya ang inuna ni Guide namin (kilpot ayan pinangalangan ko na) nagulat talaga kami noong umupo siya (guide) tapos pinaapak nya sa hita nya paakyat sa balikat nya..tapos sabay tayo..(as in grabe halo halo nararamdaman namin noon.. takot..kaba..dasal..) eh di lalo na kaya si katya noon..


yan.. ganyan.. sorry wala kasi kaming pictures noon.. ang hirap ipaliwanag pero ganyan yung position..
tapos magkabilaan bangin pa..imaginin nyo nalang muna ha..  ^_^  sino ba naman di matatakot noon.. gusto pa namin umuwi ng buhay.. lalo na ako..(takas lang kasi ako sabi ko baguio lang punta ko hahaha) back to the topic.. sobra sobrang saludo namin noon kay Guide nako (pramis walang biro).. grabe ang  lakas.. tapos yung si kuya andrew naka-abang doon sa pataas na bato para alalayan makataas pa sa safe place si katya.. tapos ako naman ang sumabak pang huli yung dyosa. :p

pagkatapos noon talagang todo dasal na ko noon... kasi nakaraos kami.. hehehe... (naawa naman kami noon kay Guide kasi nga eh ang bigat namin hehehe..) See.. I told you professional talaga sila.. sa Cave hindi pede ang pasaway.. sila ang Boss.. :D

and this is the reward... ^_^


dapat talagang mag SMILE ka dito pagkatapos ng buwis buhay na yon'.

Pahinga muna kami ng konti.. mahaba-haba pa ang lalakbayin namin sa loob ng cave na to. wala na kaming pakialam sa oras noon.. basta ang alam namin pagod na pagod na kami..hehehe..


'wag nyong ismolin ang katawan nyan..  :D

 at para ma-energize kami.. habang nagpapahinga.. picture picture..! hehehe..


tatlong lagalag na hindi magpapa pigil.. 



ito ang pinaka mahalaga sa loob ng kweba.. mawala na tsinelas mo wag lang ang ilaw.. 



Anong hanap??? Entering at the Dance Floor
one more thing pala.. professional din ang mga Saggas Guide sa photography.. kaya nga captured na captured ang moment namin dito..(feeling ko ngiting tuwang tuwa din yung nagpicture nito) sa totoo lang hindi madali maglakad sa Dance Floor na yan ha.. bukod sa may pagka di magandang amoy dahil sa pupu ng paniki.. madulas pa.. pag nadulas ka jackpot ka..!



you deserve this girl..! You DID IT.. Horaay! :D
too bad.. may mga tao talagang sadyang mahilig magsulat kung saan-saan.. pati ang kwebang ito hindi pinatawad.. mga pangalan ng tao ang karamihang nakasulat dito.. naisip ko tuloy.. dito ba sila nag date???? romantic huh.. pahihirapan mo muna yung babae bago mo isayaw sa Dance Floor.. at ang back ground music nyo eh yung boses ng mga paniki.. (unique.. why not)

at bago kami makarating sa mga fantastic wonderful amazing rock formation.. kinailangan muna namin makababa.. na ewan ba kung gano kalalim ung bangin na yoon.. basta ang alam ko lang "Delikado" talaga.. kaya inisa isa kaming binalikan ng guide namin para alalayan... lalo na ang mga kapos binti.. haha (good job!) 

The Frog Pool

Bago kayo pumunta sa mga rock formation talaga kailangan iwanan nyo ang mga tsinelas nyo.. magagas-gasan daw kasi ang mga bato.. (precious)


Meet the Queen (Upper)
The Prince (Lower)
Gets nyo naman di ba? :p 


The Turtle (love this..)


uhmm parang sa part 'to noong "Paa daw ng Dinosaur" (nakalimutan ko na ang kwento)


Its my birthday Cake.. ^_^  (nakakagutom)

you want more??? kailangan mo mag rappelling.. mukhang madulas ang mga bato pero hindi sya madulas.. 


first time ko mag rappel sa kwenba pa.. 



Kings curtain (ang galing noh)
Bakit kaya hindi nya kami doon sa gitna ng kurtina pinababa.. yung ibang pictures sa blog doon pinabababa ng guide nila gamit ang kanilang mga binti bilang hagdanan (ladder).. hmmmm bakit kaya doon nya kami pinababa sa lubid.. :p (pagod na haha..)


Ang Pustiso (palawakin mo imahinasyon mo)


sshhh.. Nag mo-moment.. 


sobrang gandang mo talaga.. ang galing ng formation..


now you know who's partners in crime???


The Crocodile Head.. (naging bato na)




kilpot guiding katya.. 
at bago magtapos ang aming paghihirap.. kailangan akyatin namin ang 200+ stairsway to heavean.. este palabas ng cave.. sobrang nakakapagod.. wala na kong iniisip na iba noon basta kelangan makarating na kami sa taas agad kasi gabing gabi na at gutom na gutom na kami..nagwawala na alaga namin haha..



WE     S U R V I V E D...!!! \m/
natandaan ko ang sinabi ng guide namin.. noon oras na puro na kami reklamo.. nakaupo kami dyan sabay kuha ng picture.. and said "Sinong Pagod??? mukhang hindi naman"  hahaha Camera lang ang energizer namin.. 



ngiting walang pagod...

That moment talaga ang saya saya ng feeling.. biruin mo natapos namin ang cave connection na more or less 4hrs..hahaha.. wuuuhhhuuu... Dont forget to Thanks God for guiding you inside the cave kasi hindi talaga biro.. at salamat din sa guide namin na talaga namang kahit nag-aasran kami eh hindi kami pinabayaan.. (keep it up!)

Ito pa isang first time namin.. Naglalakad na kami papuntang town ng Sagada.. wala kaming ibang ilaw kung di yung lampara na dala dala namin sa kweba.. kelangan namin kumain ng dinner.. tinawagan ng guide namin ang "Salt and Pepper" para ipagreserve kami ng dinner namin (ayos di ba!) ang kaso wala kaming dalang kahit anong pera. Malayo pa yung Alapos Inn sa town... Mabuti nalang madiskarte.. sinabi namin na babayadan nalang namin yung dinner namin pagkahatid samin ng guide doon sa Alapos pagkatapos namin kumain.. In short nangutang muna kami.! hahaha.. (wala pa daw nakakagawa ng ganyan sabi ng guide namin..kami lang daw ang makakapal ang mukhs! hahaha) 

kaya naman Salt and Pepper.. Masarap na ang pagkain.. sulit pa.. Try nyo.. no kidding.. ^_^


Salt and Pepper..  (solve)
Pagkatapos namin mag dinner malayo layo pa ang lalakadin namin may 10-15min walk pa.. Pagkalabas namin ng Salt and Pepper ewan ko ba kung bakit biglang lamig.. as in literal na malamig.. nanginginig ang mga panga namin.. compress sa paglalakad! pinagtatawanan lang kami ng guide namin kasi palibhasa sya nakapag palita na ng damit at may jacket na.. eh kami??? basang sisiw pa.. suuussss kagrabe talagang experience.. (MASAYA!)


Next Blog.. Kiltepan Peak... ^_^

Thursday, March 6, 2014

SAGADA SURVIVOR - 1st time

Ppangarap ko din makarating sa Baguio. Kaya ito nanaman ako making a way para maisakatuparan ang plano ko.. (waahaha!)

Kaya nagsimula na ulit kami mag kalakal ng impormasyon kay Manong Google noon kung san magandang gumala sa Baguio.


Ewan ko ba kung saan o sino ang nagsabi sa'kin ng tungkol sa Sagada. Hindi ko na matandaan ang alam ko lang ni-research nalang namin yoon. 

Pagbungad ng mga blog and pictures sa'min.. as in WOW...GANDA.. yung kiltepan view (inlove na agad sa sea of clouds).. yung mga Falls.. yung echo valley.. yung mga hanging coffins.. yung mga rock formation sa sumaguing cave.. nakaka AMAZED! kaso nag doubt ako noon baka kasi hindi ako magkasya sa butas butas ng mga cave doon. hahahah...pero grabe nakakainlove talaga pictures palang..


kaya naman kinarir talaga namin ang pagre-research dito. Hanggang sa napadpad kami sa site mismo ng Sagada. Sa SAGGAS SAGADA website.. (pasensya hindi pa ko marunong maglagay ng link :p)  sakto..! nandoon talaga lahat ng kelangan mo malaman tungkol sa sagada..  

Noong una tumitingin tingin lang kami ng tourist spot.. accommodation.. tour/guide rates.. kung anong sasakyan.. kung pano pupunta.. kung kaya lakarin..this time gumagawa na kami ng itinerary.. 


Hanggang sa napansin namin  na meron palang chatroll doon na pwedeng makipag usap sa mga tour guide mismo (ayos di ba!). Doon na nga nag-umpisa ang lahat.. naging mausisa kami sa pagtatanong. Minsan kami na din ang sumasagot sa mga tanong ng guest na dumadaan din doon. hahaha..(feeling taga sagada lang) kasi nga ilang buwan kami nagresearch about sagada.

hanggang sa may pumatol sa kakulitan namin na tour guides.. pinansin din kami sa wakas.! kasi sa totoo lang minsan hindi madaling magtanong sa kanila.. minsan ang labo kausap..(hehehe peace yhow!) pero yung iba naman matino talaga.. siguro pinatulan lang talaga nila kakulitan namin.. hahah..


Ilan buwan bago mag October 2011 noon.. sabi ko kelangan na namin mag work out.. mag bawas.. para magkasya kami sa butas.. ahahaha... sabi naman ng mga tour guide flexible ang mga bato.. (na imagine ko noon baka ipagpilitan kaming isuot doon sa mga butas ng cave (pano pag na stock up ako..?? hahaha).


at ng dahil sa sagada natuto kaming sumali sa marathon na yan. 3 months before kami mag sagada nag jogging session kami 3x a week. (hindi talaga biro yun) at ilang Fun Run (hindi nama fun un) ang sinalihan namin bago ang araw ng paghatol sa sagada... I remember one week before kami mag sagada nag 10k fun run pa kami..(alang alang sa USB na sapatos!)


Original plan 8 kami na magkakasama.. mga ilan weeks before trip naging four nalang kami..hanggang sa naging TATLO nalang kaming natuloy. May muntikan pa nga din may mag back out noon...(can not be.. sabik na sabik na ko mag sagada!! ahaha)


October 22, 2011 

Laguna(Los BaƱos) to Cubao - 7pm-10pm
Cubao to Baguio(victory liner) - 10pm-6am
VL terminal to Lizardo Terminal (taxi) - 6:30am-6:45am
Baguio to Sagada - 7am-1:00pm

hindi talaga biro ang pagbyahe papuntang sagada.. kelangan mo munang mangalay sa byahe ng husto.. :p 


at ito na nga kami...


Nova for breakfast,.not bad.
ang alam ko huling kain namin ng matino  noong nasa Laguna pa kami... ilang oras na ang lumipas.. . unang stop over namin sa bandang benguet na yata yun.. basta noon bumaba kami para mag cr sobrang lamig,.. nasa labas ang aircon! hahaha kaya pala walang aircon sa bus.. kasi bus ang heater..! :p





hindi na kami natulog ng katabi ko simula noong umalis kami ng Baguio. (excited kasi!) daldalan doon daldalan dito..turo ng turo ang ganda kasi talaga.. yung dating nakikita ko lang sa history book eh totoong nakikita na ng mga mata ko..  

halos puro bangin talaga ang daan.. nasa dulong dulo pa naman kami ng bus mataas yung upuan..ako yung sa tabing bintana. feeling ko talaga malalaglag ung bus.. nakakalula.. hahaha(praning)...sa hinaba haba ng byahe yung isang kasama namin tulog.. at noon medyo na-umay na kami sa paligid na parang pare-pareho lang ung dinadadaanan namin na puro may rice terraces.. ang napagdiskitahan... yung mga katabi namin sa bus...ahahaha... (ssshh...sikret lang.. ;)


and FINALLY... town of Sagada... nasilayan ka din sa wakas! ^_^ 
(feeling blessed and safe)


this is it..! malamig at sariwang hangin ang sumalubong samin..
after long long long travel nakarating din kami.. arrival time.. 1pm..  
grabe sa pagod pero i think its WORTH IT... :D (rak en rol!)

ALAPO'S VIEW INN
si Ate Abie sya yung nag accommodate samin.. mabait..approachable..
tska maasikaso..sinundo nya pa kami sa bus terminal ng sagada,.
and the room..ok naman.. malinis.. dalawa cr.. comfortable.. malambot ang kama at kumot.. higit sa lahat.. mura..300-350php per head per night. (approb!) 

by the way credit to sir Jun(a friend from chatroll of saggas site) ang accommodation namin.. kung di dahil sa kanya wala kaming kasiguraduhan na matutuluyan dito. (apir sir!).. 1 week or 3 days before kasi yung mabait naming guide(friend..yan ha para no misunderstanding hehehe :p) eh hindi ma-contact.. :p


2:30pm konting pahinga lang sa room..konting freshin' up.. layas na ulit para hanapin ang...LEMON PIE HOUSE..(isa sa listahan ng aming dapat kainan. haha) hindi naging madali ang paghahanap namin sa Lemon Pie House.. 
kaya nagdala talaga kami ng mapa ng sagada..hahaha...


(Alagad kami ni Dora! hahaha...)

unang sabak namin..(pagsubok agad!).bumaba kami sa pinaka town.. syempre strangers kami.. wala kaming mapagtanungan pa.. basta sumusunod lang kami sa mapa.. hanggang sa nakarating kami sa may Yoghurt House.. na ang kasunod naman ang Office ng Saggas.. na ang kasunod eh mga nakatambay na lalaki doon sa baba ng Salt and Pepper.. malayo palang pakiramdam ko/namin nakatingin na sila samin' tatlo. kasi parang walang masyadong ibang tao (tourist) doon that time.. eh kinukutuban na kami na sila yon' (yung mga guide na minsan na naming nakachat) syempre pare-pareho kaming first timer doon.. naglalakad kami mga nakatungo hanggang sa makalampas sa kanila.. (parang inaabangan talaga nila  kami.. may atraso ba ka??! hahah)

Hey Im not saying na masama sila ha.. its just that kasi na habang ka-chat palang namin yung iba sa kanila naging kabiruan na namin.. bargasan.. kulitan.. asaran.. ganon.. kaya noon moment na yun feeling awkward talaga.. hehehe..kasi hindi namin alam kung pano mag a-approach sa kanila (kasi nga kontradiksyon kami hahah) tska hindi namin sila masyadong mamukhaan..kasi nakatungo din yung iba.. yung iba naman may takip sa mukha (sus..aswang ba kami para pagtaguan..hahaha)


kaya noong nakalampas na kami sa tambayan nila.. nakahinga kami ng maluwag,.well kaming dalawa lang ni MJ yon' kasi kami lang nakikipag usap sa kanila..hahaha.. yung isang kasama namin (katya) hindi nila kilala..(sorry name dropping.. hirap namn kasi magkwento ng walang pangalan.. hahaha.. pasaway!)



pagkalampas namin nagtext na yung guide namin (isa sa pinaka kaasaran namin sa chatroll) san daw ang punta namin lumampas daw kami. (di naman nya alam sa lemon pie house kami pupunta kala nya sa office nila) :p

nagkanda ligaw ligaw pa kami sa paghahanap...gutom na gutom na kameeeeee! hindi kasi talaga masyadong pansinin ang resto nila..

SA W A K A S.!!!




habang nag hihintay ng orders namin, (unli pictures!) buti na uso ang Digicam.. 


picture picture time.. hahaha.. 






The Famous L E M O N  P I E..


boi..totoo nga ang chismis... ang sarap... hindi nakaka-umay...
nakaka-freshin' up ang feeling..  





L A F A N G! kelangan namin yan para sa susunod na pagsubok! medyo may pagka kamahalan din ang foods nila (100-150php) pero carry naman para sa my budget talaga.. kami kasi nilaanan talaga ang budget sa pagkain this time.. heheheh..



the red hot chicken nga ba yan and the black sauce ^_^ yummy..
healthy foods sila.. kasi yung black sauce spaghetti nila may gulay... :)
tska mountain tea nga ba yan? forgot.. pero parang ganun ang pagkakarinig ko.. :p pasensya na (kinakalawang)


trick or treat parade ang bumungad samin.. 
(parang may pinahihiwatig ah..ahaha..joke lang..)
cute ng mga bata..naka costume talaga sila.. ^_^


Pagkatapos namin kumain.. ready to go na ulit pabalik ng alapo's para magpalita ng damit for spelunking activity namin.. humahanap kami sa mapa kung may ibang daan ba papuntang alapo's kasi ayaw na namin dumaan doon sa dinaanan namin (wanted). kaso no choice.. yun' lang talaga ang tanging daan..hahaha...  

(note): I don't have any bad intention to saggas guides.. just to clarify things lang..saggas guides is all nice and good people (all sagadians)..very professional.. (subaybayan nyo nalang ang post ko hanggang sa huli para malaman nyo buong kwento..hehe)  ^_^ 


(ito na ang simula...)



Next post.. (Cave Connection)